Thursday, March 27, 2008

Pad Thai

Swabe ang lunch ko ngayon! On site ang work ko ngayong araw kaya daming choices kung saan pwede chumibog. Sabi ng kasama ko sa chinese food daw kame, so ok naman sa lahat kaya tuloy ang punta dun. Sakto naman na kahit chinese resto ung place e marami silang sine-serve na iba pang klase ng food like viet, thai, etc. Pagkatapos mag isip ng tiyan ko, napa order na ako ng Pad Thai. Sarap haha! Hindi ko alam ang saktong ingredients pero may halong durog na peanuts, weird noodles, pork cutlets, fried shrimp, bean sprout, scrambled egg etc

eto ang pic (may halong hot sauce na!) hehehe


Monday, March 24, 2008

5 months

limang buwan na ang lumipas since nung huling post ko sa blog na ito. napakaraming nangyari sa limang buwan na lumipas... mga bagay na nakakapagpabago sa buhay ko at mga bagay na dapat ng limutin. hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip ang mga ngyari at tapos na ang lahat ng iyon at wala na akong magagawa pa. sadya yatang may mga bagay na di talaga pwedeng makuha kahit anong pilit ng isang tao kahit mabuti man ang intensyon.

ok, tapos na ang drama. titigil ko na ang pag iisip sa topic na yun. 2008 na at kelangan mag simula na ako sa mga gusto kong gawin para sa sarili ko. kelangan kong ibaling ang attention ko sa ibang bagay.

1. makahanap ng bagong trabaho (sawa na ako sa boss ko) haha
2. maging MCSE at CCNP
3. meet new friends (actually wala pang 10 ang friends ko dito, kaya dapat lang)
4. ipaayos ang left front speaker ng kotse
5. matuto gumamit ng dremel
6. i convert sa watercooling ang pc ko
7. makapunta sa L.A. Zoo
8. mag gym atleast 3 times a week
9. makapag open ng time deposit
10. matuto ng isang instrument (guitar/piano)

sana by 2009 eh magawa ko kahit 5/10 man lang hehehe