Monday, May 26, 2008

my new business card

pag may sira pc nyo sa kin lang kayo tumakbo, wag mahiya hehehe

testing mode

eto pinauwi sa kin ng boss ko, paglaruan ko daw sa haus kasi long weekend ngayon dahil sa memorial holiday. Toshiba projector with camera wahohoho oks na oks gamitin pang nood ng movies. parang naka large format display ako sa wall ko. kaso ang lakas mag init, yung exhaust sa right side pwede na magluto ng bacon.





picture mode

nagawa ko pang mag picture habang nagwowork sa school site heheh


dinaan sa laki

eto sample ng mga stupid driver na dinadaan na lang sa laki. porke hummer lang dala e noh. pero kung ako dala ko hummer, siguro malamang e ganyan rin ako lols



sa wakas umulan

after 1 week na super init, sa wakas umulan rin. kaso sobrang biglaan naman ang weather change, from 97F bumaba ng 75F haha ewan ko kung kakayanin ng katawan ko yung sobrang pabago bago na weather. imagine muntik na ako mapabili ng aircon sa sobrang init tapos ngayon nakakakumot ako bigla matulog kahit nakasarado ang bintana at patay ang fan. ewan ko lang next week kung malamig pa rin ba o mainit. at tska pala, yung ulan na ito inde lang simpleng ulan, sa lakas ng ulan nag cause pa ito ng mga mud slides haha




biggest walmart

last week meron kaming delivery sa isang school site pero dahil maaga pa dumaan muna kami sa walmart. shempre pag nasa field petiks mode lang hehehe eto yata ang pinakamalaking walmart na nakita ko e.

Wednesday, May 21, 2008

wooot sebring!

last monday nabunggo ng pick-up truck yung car ng parents ko sa carwash! oo, tama! sa carwash nga! nakapila lang sila sa carwash at naatrasan ng pick-up, ayun yupi ang hood at bumper. lol napaka ganda ng scenario na yun, sa dinami dami ng lugar sa carwash pa nagka accident haha

so ngayon dinala sa body shop yung kotse para i-repair (toyota corolla) at binigyan ang parents ko ng rent a car na chrysler sebring 07. at ako ang unang natuwa kasi makakapag drive din ako ng american mid size car hahaha tinest drive ko na kanina at grabe smooth talaga ang takbo kaso medyo naninibago ako kasi lowered ang kotse ko at mataas yung upuan nung sebring.

Tuesday, May 20, 2008

nasabon!

oo tama! nasabon ako ng boss ko amf! ngayon ko talaga napatunayan na hindi laging mabuti ang tama. ang lupit, gumawa ako ng tama, nagmamabuti pa ako sa kasama ko, pero ako pa yung nasabon at kesyo i-fire out daw ako. grabe, ngayon lang ako na abuse ng ganito. daig ko pa yung gumawa talaga ng mali.

ang issue kaya sinabon ako ay dahil hindi ko daw sya binabati ng good morning, lol! paano ko sya babatiin ng good morning kung 10am sya dumadating at 8am ako pumapasok at by 8:30am paalis na kami para mag field service. hahaha grabe! pinalaki yung issue at bakit daw ako hindi nagtawag ng meeting last friday. lols, eh yung supervisor ko dapat gumagawa nun, peon lang ako. at higit sa lahat half day lang yung supervisor ko noon friday; therefore kahit magtawag ng meeting ang isang peon na katulad ko, sino makikinig at ano sasabihin ko.


ang lupit!

Sunday, May 18, 2008

sorry i need some space...

ang hirap talaga.... kung babae ang magsasabi sa yo nyan, matakot ka na at malamang badnews yun or makikipag break sya sayo.. pero kung eto ang makikita mo.....

















hahahah e di ok lang!

Friday, May 16, 2008

Sa paningin ng iba...

Ant's eyeview
Human's eyeview
Spiders Eyeview

kainis na traffic

last Wednesday na traffic ako ng sobra kakainis sobra, nangalahati ang gas tank ko dahil dun. nakaupo lang ako at nakatunganga sa traffic. kaya nagkaganun kasi may banggaan palang nangyari at sarado ang one lane ng two lane na kalsada. hay buhay, nalate tuloy ako sa appointment ko sa doctor dahil dun.

pics:


btw, nung nakita ko yung nakaharang na pulis, na tow na pala yun kotseng sira.

how g33k is me?

76% Geek

Created by OnePlusYou - Free Online Dating

Wednesday, May 14, 2008

my multibooting pc

eto ang first hackintosh pc na nagawa ko at may dagdag pang other OS's para multiboot sya. Hackintosh = pc hardware with mac OSX operating system, mas mura at same features din. bali naka multiboot sya using one hard drive only at eto mga OS na naka install.. OSX 10.5, XP, Vista at Suse linux.

Hardware Specs:

Intel 945gtp
1gb kingston ram
Pentium D 3.0ghz
160gb western digital hard drive
creative sound card
16x dvd rom

cheap na cheap sa specs pero ayus pa rin. parang tunay na apple pc talaga!

video:



enjoy the video. post lang ng comments kung may tanong kayo hehe

1st time sa northridge

napunta ako sa Northridge ngayong araw para sa delivery namen sa work. Ang layo.. 45miles one way pa lang yun. pero wala namang traffic kaya ok na rin kaso.. walang aircon yung van namen kanina hahaha at bigla pang uminit ung weather dito. umabot ba naman ng 80+ fahrenheit tapos walang aircon. lol

eto pics, na corrupt yung iba e amf


halatang ang dumi ng windshield. lols!


Monday, May 12, 2008

Sunday, May 11, 2008

super busy

grabe sobrang busy ako simula pa nung thursday night, may nagpagawa kasi sa kin ng pc at home service pa. Inde lang pala pc, pati laptop at ipod touch pinaayos rin sa kin. pero oks lang, galante naman magbayad nung tao hehehe virust removal + reinstall os + mp3 transfer = easy money at tax free pa wahaha

Nung Saturday naman e niyaya naman ako mag photo ops ng friend ko dito, kunyaring kasalan daw ung agenda. pumayag naman ako kasi may bayad daw haha halata yatang mukhang pera pero tama lang siguro na may bayad kasi 110 miles ang nilakbay ko nung araw na yun para lang pumunta dun at umuwi pabalik. 1st time ko mag picture ng "kasal" daw at buti na lang nakapag rent kame ng dalawang 580ex na flash. isa lang masasabi ko, swabe! ang sarap pag may external na flash, kahit liit na ng aperture ko e kuha ko pa rin ng malinaw ung subject.

Sunday naman e sobrang busy din, naglinis ako ng kotse after 3months lol! general cleaning amf daming grasa ng rims at ang hirap tanggalin. bumili pa talaga ako ng panglinis na pang rims lang para lng malusaw ung mga grasa na kumapit. Todo detail din ang ginawa ko sa interior at walang katapusang vacuum mode. Sa tagal ata ng pag vacuum ko e un ang nakasira sa vacuum kasi ngayon ayaw ng humigop nung vacuum na ginamit ko heheh ganun kadumi ng loob ng kotse at sumuko ang vacuum. total of 6 hours ang inabot para malinis at ma-wax ko ung buong kotse. so ayun kahit luma na kotse ko (12yrs old model 1996 civic) mukha na namang bago ulit ^_^

Tuesday, May 6, 2008

apple test conquered

isa na naman ang nadagdag sa mga napasa ko hehehe

Friday, May 2, 2008

ready mode

ready mode na para sa apple exam (9L0-006) bukas @ 0930hrs. sana pumasa para increasan na ako sa sweldo haha

mabuti na ang kargado!







may bago na namang dagdag sa storage lineup ko.. hehehe

current lineup:
150gb Western Digital RaptorX
160gb Samsung Spinpoint
300gb Seagate Barracuda
750gb Samsung Spinpoint
500gb Fantom Drive (external)

follow up sa belair


dito kami kumain ng lunch dahil ito ang pinaka una naming nakitang fastfood sa belair/beverly hills area.. ang mahal haha