hay.. tagal na rin pala simula nung last post ko dito. nakakapanibago kasi dati halos every other day e nag popost ako tungkol sa iba't ibang bagay. bigla kasi akong naging busy simula last month kaya wala ng oras mag update ng blog.
first update:
bumili ako ng bagong headset pamalit sa nasira kong logitech headset. sulit naman yung bago kong nabili, mas comfortable at mas clear ang sound. ang cons lang nito e hindi ganun kaganda ang bass response pero ok pa rin!
eto pic nung headset, Icemat Siberia ung name.
Second Update:
bumili ako ng extra electric fan dahil sa sobrang init dito. pero kahit may extra fan na ako ang init pa rin haha umaabot ba naman kasi ng 90+ fahrenheit (33+ celsius) ang temperature sa loob ng kwarto ko. lutong luto ako grabe, kakaligo pa lang e papawisan kaagad. onting tiis pa at matatapos na rin ang summer season dito.
Third Update:
Kahapon pumutok yung gulong ng kotse ko sa gitna ng intersection! hay, buti na lang hindi mabilis ang takbo ko kundi disgrasya inabot ko. first time ko magpalit ng flat tire kaya medyo inisip isip ko pa pano gamitin yung jack na kasama ng spare tire. inabot din ako ng 2 hours sa pagpapalit lang ng gulong kasi ba naman lowered yung kotse kaya mas mahirap gamitin yung jack. isa pang problema e harap na gulong yung flat, e yung spare tire sa likod lang kasya kaya kelangan ko pa ibalik ulit yung tinanggal kong gulong at pagpalitin muna yung harap at likod bago ikabit yung spare tire. hay.. sobrang hassle talaga.
Fourth Update:
kanina bumili ako ng bagong gulong at ineexpect ko na 2 gulong lang ang papalitan ko sa kotse. ang kaso sabi ng mechanic kelangan na palitan yung lahat ng gulong dahil yung isa may pako at hindi daw maganda magpalit ng gulong ng paisa isa lang. so yun, 4 na gulong ang pinalitan at nagpa-align na rin ako at inabot ng 600$ lahat. ubos na naman ang ipon ko badtrip talaga. kaya pala mahal ang gulong e dahil sa specs nya, 205/40ZR16 ang kinabit. sana lang tumagal itong gulong na nabili ko... hay..
Fifth Update:
last week naman nasira yung 2gb micro sd memory card ng celfone ko. bigla na lang nag lock at humihingi ng password para ma-access. wala naman akong matandaan na nilagyan ko ng password yun tska kahit may password dapat pwede sya ma-format kaso hinde pwede. buti na lang wala masyadong important files na naka save sa mem card kaya ok lang masira. ang inde ok e nawala na yung receipt nya kaya inde ko na maipapalit pa sa pinagbilhan ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment